5, sugatan sa nangyaring sunog sa Cebu City

Cebu City – Sugatan ang limang katao sa nangyaring sunog sa Sitio Bato, Barangay Ermita, Cebu City.

Ayon kay Cebu City Fire Marshal/Inspector Noel Ababon, hindi bababa sa 200 na mga bahay ang natupok ng sunog na itinaas sa general alarm.

Aniya, sumiklab ang apoy sa ikalawang palapag sa bahay ni Ronron Sarmiento bandang ala-1 kahapon ng hapon at naapula matapos ang pitong oras.


Tinatayang nasa P3-milyon ang naitalang danyos sa sunog na patuloy pang inaalam ang sanhi.

Nananatili naman sa barangay gym ang mga nasunugan na agad namang nakatanggap ng tulong sa City Social Welfare and Services (CSWS).

Facebook Comments