5 sundalo at 3 Abu Sayyaf member, patay sa sagupaan sa Patikul, Sulu!

Sulu – Walo ang kumpirmadong nasawi sa halos dalawang oras na sagupaan kahapon sa Patikul, Sulu.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Spokesman Col. Gerald Monfort – lima ang nasawi sa panig ng 5th scout ranger battalion habang tatlo naman sa panig Abu Sayyaf Group (ASG).

Bukod dito, 18 sundalo rin ang nasugatan sa engkwentro habang 15 sa ASG kabilang ang lider na si Indang Susukan na umano ay naputulan ng braso.


Ayon kay Monfort, kabilang sa mga nasawi sa panig ng mga kalaban ang foreign terrorist na si Moro black.

Tinatayang nasa 150 na ASG members ang nakasagupa ng iilang tauhan lamang ng pamahalaan.

Hindi rin umano nagamit ang air assets dahil sa hindi magandang lagay ng panahon sa naturang lugar.

Facebook Comments