5 suspek sa illegal na droga nahuli sa Canlanipa Homes, Brgy. Canlanipa, Surigao City

5 suspek sa illegal na droga nahuli sa Canlanipa Homes, Brgy. Canlanipa, Surigao City. Kinilala ang nahuli na si Jennylyn Canios Abarca alias Lalay o Kakay, kasama ang live-in partner nitong si Miguel Atencio Yambao alias Miguel, isang Security Guard. Kalakip ding nahuli ang tatlong bisita sa loob ng pamamahay ng maglive-in partner na pinaghihinalaang drug den. Ito’y kinabibilangan nina Luland Patenio Casurra, 48 taong gulang, Leonil Patenio Casurra, 54 taong gulang at Michael Patenio Consing, 49 taong gulang. Nakuha mula sa mga suspek ang iilang sachet ng pinaghihinalaang shabu, drug paraphernalias at pera. Ang mga ito ang dinakip matapos ang buybust ooetation ng City PNP.

Facebook Comments