5 taong gulang na bata patay ng masangkot sa aksidente sa San Carlos City, magulang sugatan din

256

Dead on arrival ang limang taong gulang na bata sa siyudad ng San Carlos matapos masangkot sa vehicular accident at sugatan din ang mga magulang nito.
Kinilala ang biktima na si Jesielyn Garcia at sugatan ang kanyang mga magulang na sina Judilyn at Mark John Garcia parehong trentay dos anyos.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nakipag-inuman umano ang ama nito sa kanyang mga kaibigan sa nasabing siyudad, at bago pa tuluyang malasing ay niyaya na ng kanyang asawa na umuwi sa tahanan sa kanilang magulang upang doon na magbagong taon.
Habang binabagtas ang kahabaan ng Perez Blvd. sa San Carlos City ay nag over take si Mark John at sumalpok ito sa motorsiklo na minamaneho ni George Salaza, 22 anyos at angkas nito si Christopher Kabilangan na parehong residente ng Brgy. Coliling, San Carlos City.
Nagresulta ito ng pagkaka aksidente ng mag-anak.
Itinakbo sa pagamutan ang mga ito pero binawian ng buhay ang bata.

Facebook Comments