5 taong termino para sa Barangay at SK officials, isinulong sa Kamara

Isinulong ni House committee on constitutional amendments Chairman at Cagayan De Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez na mapahaba sa limang taon ang termino ng mga halal na opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan o SK.

Nakapaloob ito sa House Bill No. 7123 na inihain ni Rodriguez na mag-aamyenda Section 43 ng Local Government Code na nagtatakda ng umiiral ngayong tatlong termino para sa Barangay and SK officials.

Paliwanag ni Rodriguez, masyadong maikli ang three-year term para maisulong ang pagkakaisa at katatagan sa bawat barangay pagkatapos ng eleksyon.


Dagdag ni Rodriguez, kung mababawasan ang dalas ng pagdaraos ng botohan sa barangay ay mababawasan din ang hindi pagkakaunawaan ng mamamayan.

Giit ni Rodriguez, hindi rin sapat ang tatlong taon para matiyak ang kumpletong pagpapatupad ng mga programa sa barangay lalo na at ang huling taon ng termino ay natutuon sa pangangampanya.

Facebook Comments