Sinampahan ng kasong administratibo dahil sa katiwalian ang limang tauhan ng Philippine National Police-Health Service.
Ayon kay PNP-Civil Security Group Director Police BGen. Benjamin Silo Jr., nabisto kasi nila ang anomalya sa paglalabas ng nuero at drug test na ginagawa ng limang pulis.
Sinabi ni Gen. Silo na dinoktor ng mga ito ang psychiatrics and psychological examinations mula August 2022 hanggang February 2023 kung saan naningil umano ang mga ito ng P30,000-P35,000.
Kabilang sa mga kinasuhan ay ang isang police major, tatlong police non-commissioned officer at isang non-uniformed personnel.
Kasama sa mga kasong isinampa ng CSG sa Internal Affairs Service ang Grave Irregularity in the Performance of Duty at Conduct Unbecoming of Police Officer-Grave Misconduct habang sasampahan din sila sa Ombudsman ng Criminal Charges na paglabag sa RA 3019 Anti-Graft and Corrupt Practices Act at paglabag sa RA No. 11032 o EASE of Doing Business.