5 timbog sa illegal logging sa Batangas

Dinala sa presinto ang 5 lalaki matapos iligal na magputol ng puno sa Barangay Basang Mabini, Batangas.

Kinilala ang mga suspek na sina Jeffrey Regla y Mingo, 32-anyos; Renan Baliguat y Bactan, 41-anyos; James Rapada y Mingo, 26-anyos; Marlon Cabatania y Alamag, 3-anyos at Roger Pera y Abella, 36-anyos residente ng Barangay San Pedro Bauan Batangas.

Ayon kay PO1 Jovan Angeles Villareal, isang concerned citizen ang nagsumbong kaugnay sa iligal na ginawa ng mga suspek.


Pinuntahan ito ng mga pulis at inabutan pa ang mga suspek na nagpuputol ng mga puno.

Kinumpiska ng mga otoridad ang chainsaw na gamit ng mga illegal logger at coco lumber na kanilang pinagpuputol.

Kasong paglabag sa R.A 9175 (An Act Regulating the Ownership, Possession, Sales, Importation and Use of Chain Saw) at Section 77 of P.D 705 (Forestry Reform Code).

Sinabi ng Batangas police, nag-ugat ang matagumpay na operasyon dahil sa magandang ugnayan ng komunidad at pulisya.

Facebook Comments