Gusto mo rin bang mag-travel pero namamahalan sa travel fares? Ito ang ilang tips para makahanap ng murang cheap flights:
- Gumamit ng incognito o private browsing mode para makita ang pinkamababang presyo.
Tumataas ang flight prices kapag paulit-uilit na sine-search ang isang particular route dahil mas nape-pressure tayo na makapag-book ng flight bago pa tumaas ang fare nito. Kung kaya’t mas mainam na tayo ay maghanap ng cheap flights gamit ang incognito window.
2. Gumamit ng magandang flight search engines
Lahat ng search engines ay may dagdag na flight costs bilang bahagi ng kanilang komisyon galling sa arlines. Ilan sa mga search engines ay patuloy na nagtataas kumpara sa iba. Narito ang ilan sa mga magandang search engines.
- Tignan ang may pinakamurang araw na fare.
Ayon sa mga iba, Ang pinakamagandang araw para makapag-book ng tipid ay tuwing Tuesday, pero ang katotohanan ay walang consistent na araw para makapag-book nang mura. Kadalasan ay mas mura ang fare kapag weekdays. Ngunit ang pinakamagandang paraan ay tignan ang visual prices ng buong buwan upang makita ang pinakamurang fare ng isang specific route.
- Humanap ng cheap flights sa mga budget airlines.
Ang mga budget airlines ay nago-offer ng mas murang tickets kumpara sa kanilang full-service counterparts. Ngunit ito ay may disadvantage gaya ng less leg room at walang libreng food/drink on-board na kung saan ay kadalasang kasama na sa mas mahal na ticket at full-service na mga airlines.
- Hanapin ang mga airline error at sale fares
Kung minsan ang mga airlines ay nagkakamali sa pag-post ng kanilang fares na nagdudulot ng discounted flights. Ito ay nangyayari sa iba’t-ibang dahilan – currency conversion mishaps, technical glitches at human error. Kung ikaw ay may alam kung saan makikita ang mga ganitong klaseng airline error fares, ikaw ay maaaring makatipid ng mas malaki.