Likas sa’ting mga Pilipino ang pagiging malinis sa katawan. Ngunit kahit malinis tayo sa ating katawan ay hindi pa rin maiiwasan ang pagkakaroon ng amoy o body odor dahil sa pawis at init ng panahon. Narito ang ilang tips para lagi kang mabango:
Maligo araw-araw
Ang pagligo araw-araw ang isa sa pinakamabisang paraan upang maging mabango at maiwasan ang pagkakaroon ng amoy. Siguraduhin nahuhugasan mabuti ang buhok, lalo na ang kilikili at ilang private parts.Ang paggamit ng panghilod tulad ng sponge o loofah ay nakatutulong upang matanggal ang ilang dead skin cells at bacteria.
Mag-toothbrush pagkatapos kumain
Mahalaga rin ang pagsisipilyo upang ikaw maging mabango. Magsipilyo upang maiwasan ang pagkakaroon ng bad breath. Gumamit ng toothpaste na may fluoride. Makatutulong din ang paggamit ng mouthwash at floss para mas maging mabango at malinis ang iyong bibig.
Gumamit ng deodorant
Ang paggamit ng deodorant ay isa rin mabisang paraan upang maiwasan ang tinatawag na body odor. Nakatutulong ang deodorant upang matanggal ang bacteria na sanhi ng pawis sa ating kilikili, paa at iba pang parte ng katawan.
Magsuot ng malinis na damit
Mahalagang siguraduhin na malinis ang susuoting damit. Labahan ito pagkatapos suotin. Ang paggamit nang maruming damit ay nagiging sanhi ng body odor. Siguraduhing nakakapagpalit ng damit at underwear araw-araw. Makatutulong din ang paggamit ng fabric conditioner sa damit upang ito’y bumango.
Gumamit ng perfume
Ang paggamit ng perfume o pabango ang isa pang paraan upang lagi kang mabango. Pumili ng perfume na nais mo na hindi masakit sa ilong ang amoy. Maaari itong i-spray sa iyong kamay, dibdib at sa iyong likod. Ngunit iwasan din ang paglagay ng sobrang perfume sa katawan dahil maaari rin itong magbigay nang masamang amoy.
Article written by Hannah Joyce Rebultan