Paano nga ba kumuha ng IG-worthy pictures gamit lamang ang iyong cellphone? Sundin mo na ‘to:
- Gumamit ng gridlines upang mabalanse ang iyong
Isa sa pinakamadali at pinakamagandang pamamaraan upang makakuha ng IG-worthy pictures gamit ang iyong mobile phone ay ang paggamit ng camera’s gridlines. Ang rule of thirds na kung saan ang isang picture ay nahahati sa tatlo, parehong horizontally at vertically, upang magkaroon ng siyam sa kabuaan.
- Mag-focus sa isang subject.
Karamihan sa magagandang shot ay naglalaman lamang ng isang interesting subject. Ayon sa ilang mga professional photographer, Dapat ay hindi masakop ng subject ang buong frame at 2/3 ng shots ay negative space upang makatulong sa subject na mas lumitaw.
- Humanap ng kakaibang anggulo.
Ang pagkuha ng kakaiba at di inaasahang anggulo ng litrato ay maaaring maging memorable dahil ito ay nakakagawa ng illusion ng depth o height ng isang subject. Ito rin ay nakakatulong upang mas lumitaw ang subject since kadalasan ng mga shots na galing sa mobile phones ay naka-derecho lamang o naka-bird’s eye view.
- Gumamit ng natural light.
Ayon sa mga professional photographer, Hindi magandang gumamit ng flash dahil kadalasan ay nagiging overexposed, nababago ang kulay at nawawashed-out ang subject. Sa halip na gumamit ng flash ay mas maganda kung gagamit tayo ng natural light kahit sa dilim.
- Huwag matakot mag-edit.
Ang paggamit ng filters ay nakakatulong sa upang matanggal ang mga blemishes at maging mas appealing ang mga shots.
Article written by Jessica Deocareza