
Dumating na sa warehouse ng OCD Region 1 sa La Uñion ang limang container truck na naglalaman ng non food items.
Ayon sa Office of the Civil Defense, tatlo sa mga ito ay naglalaman ng mahigit 2,500 na kitchen set na makatutulong para sa mga manunumbalik sa normal na pamumuhay na sinalanta ng bagyo.
Habang ‘yung dalwang truck ay naglalaman ng shelter repair kits gaya ng martilyo, pako at iba pa para sa mga magkukumpuni ng kani-kanilang mga bahay na nasira noong nagdaang bagyo.
Samantala, nagbigay rin ang kababayan natin mula Sulu ng 2,000 sako na bigas at 1,000 kahon ng noodles pra sa mga biktima ng pagbaha.
Una nang sinabi ni OCD acting director Asec. Bernardo Alenjandro IV na kinikilala ng ahensya ang epektibong pagtugon hindi lamang sa paghahatid ng relief goods maging ang kagustuhan ng ating mga kababayan na bumangon muli mula sa pinagdaanang sakuna o krisis.









