5 Vietnamese national, inaresto ng NBI dahil sa ‘illegal practice of medicine’

Arestado ang limang Vietnamese national sa Makati City, matapos mahuling nagsasagawa ng ilegal practice of medicine na walang kaukulang lisensya ng gobyerno mula sa Professional Regulation Commission (PRC).

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), kinilala ang mga dayuhan na sina Phan Ngoc Duc, Tuan Anh Pham, Thi Dieu Linh Dinh, Voung Thi Ngan, at Lo Thi Mai.

Nahuli ang mga ito na nagsasagawa ng procedure kasunod ng entrapment operation na ikinasa ng mga awtoridad.

Agad namang kinasuhan sa Makati City Prosecutor’s Office ng mga paglabag sa Republic Act (RA) No. 2382, ang Medical Act of 1959, kaugnay sa RA No. 10174, ang Cybercrime Prevention Act of 2012; RA 9711, ang Food and Drug Administration Act; at RA No. 10918, ang Philippine Pharmacy Act.

Ang operasyon ay isinagawa matapos makatanggap ng impormasyon na ang ilang mga dayuhang ay nakikibahagi sa hindi authorize na pagsasanay ng medisina.

Facebook Comments