5 Ways to De-stress for Good Health

When it comes to getting stressed, we don’t really have a choice. Stress dulot ng traffic, mabigat na trabaho, at kadalasan ay toxic na environment. But don’t worry, here are some ways to de-stress para good health tayo always:

10 minute walk. Ang paglalakad sa mga parke o lugar na “environmental” ay nakatutulong upang makapag-meditate. Isa rin itong paraan upang makapag-reflect ka sa sarili mo

Laugh. Ika nga sa isang kasabihan, “Laughter is the best medicine.” Kapag malungkot ka, tumawa ka. Kapag may problema, tawanan mo lang. Ayon sa isang research na isinagawa ni Dr. Suzanne Steinbaum, ang pagtawa ay nakapagpapababa ng stress hormones sa katawan at nakababawas ng inflammation sa ating arteries.


Exercise. Naglalabas ng kemikal na kung tawagin ay “endorphins” ang ating katawan sa tuwing tayo ay physically active o busy ang katawan. Ang simpleng paglalakad o paglalaro ng tennis ay ilan sa mga halimbawa nito. Ang pag-eehersisyo ay hindi lamang nakakatulong upang mabawasan ang stress, nakakakapagpababa rin ito ng blood pressure at isang paraan upang ma-maintain ang ating timbang.

Unplug. Hindi malaking kabawasan sa ating pang-araw-araw na buhay ang minsanang paglayo sa mga gadgets and social networking sites. Isan munang bisitahin ang emails, Facebook, Twitter, o Instagram. Madalas ay ito ang pinagmumulan ng ating stress. Maglaan ng kahit konting panahon upang magkaroon ng oras sa sarili.

Eat well. Karamihan sa atin ay pagkain ang ginagawang takbuhan kapag stress masyado. “Comfort Food” kung tawagin, meron tayong kanya-kanyang paboritong pagkain. Ngunit sa panahon ng stress, mahalaga pa ring kumain ng masustansiya. Pagkaing magbibigay sa atin ng energy. Makatutulong ang mga masusustansiyang pagkain upang mag-improve ang ating physical at mental health. Try eating fruits, vegetables, and foods rich in omega-3 fatty acids!

Facebook Comments