5 Ways To Mend Your Broken Heart

Minsan ka na bang nasaktan? Gusto mo na rin bang humilom ang winasak mong puso?

  1. Go through it not around it

Hindi sagot sa paglimot ang pagiwas sa mga bagay at lugar na nagpapaalala sa inyong nakaraan. Magkaiba ang pagtakas sa paglimot. Hindi mo naman siya malilimutan dahil naging parte siya ng buhay mo at naging masaya ka naman siguro sa kanya. Ang dapat mong gawin ay tanggapin mo sa sarili mo na wala na at hindi na siya babalik sa iyo. Umiyak ka. Hindi ka makakamove on lalo kung umaasa ka pa rin na baka isang araw babalik siya.  I-recognize mo yung pain hanggang sa dumating yung araw na makalaya ka sa sakit.


  1. Wait

Sabi nga sa kanta ng ni Mariah Carey, “Love takes time to heal when you’re hurting so much.” Hindi naman magic ang pagmomove on. Pwedeng tapos ka na sa iyakan part pero hindi ka pa fully recovered. Bigyan mo ng time sarili mo. This time sarili mo naman ang unahin mo, and that leads us to our number three.

  1. Give time to yourself

Bigyan mo ng oras ang sarili mo. Pamper yourself. Sabi nga “If you can’t love yourself how the hell you’re gonna love somebody else?” Pwede ring magpaka-busy ka sa work or sa pag-aaral. Mag-gym ka or magpa-haircut? Basta libangin mo sarili para hindi ka mabaliw everytime na maaalala mo si ex. Iwasan mo mag-isa at huwag kang matakot na makakilala ng mga bagong tao and that leads us to our number four.

  1. Open yourself to new relationships

Hindi naman porket relationship eh romantic na agad. Huwag mo isara ang sarili mo sa new opportunities ng life. Sabi nga ni Alexander Graham Bell “when one door closes, another opens.” Ibig sabihin hindi pa end of the world ang break up ninyo. Baka hindi pala kayo ang nakatadhana sa isa’t isa kasi nga kung napasaya ka ng maling tao, paano pa kaya kung si ‘the one’ na?

  1. Forgive

Maging mapagpatawad. Patawarin mo ang taong naging dahilan ng pagkawasak ng puso mo at patawarin mo sarili mo sa mga tingin mong naging pagkukulang mo. Tao lang naman tayo mga idol. Hindi tayo perpekto at lahat ng mga pagkakamali natin ay magsisilbing aral para sa atin. Sa ganitong paraan magiging matuluyan ka nang malaya. At para sa ating last quote, “Every setback is a setup for a comeback. God wants to bring you out better than you were before.”

Keep moving forward and let’s spread love mga idol!

 

Article written by Albert Soliot, Jonnabel Escartin and Kristian Cartilla

Facebook Comments