5-year Roadmap para sa pagbuhay sa local salt industry, isinulong ni Representative Wilbert Lee

Iminumungkahi ni AGRI party-list Rep. Wilbert T. Lee ang pagbuo ng isang task force na babalangkas ng 5-year roadmap para sa development, modernization at pangangalaga o pagbibigay proteksiyon sa salt industry ng bansa.

nakapaloob ito sa inihaing House Bill No. 5676 ni Lee o panukalang Philippine Salt Industry Development.

Binigyang-diin ni Lee na kailangang lubos na masuportahan at mapangalagaan ng pamahalaan ang local salt stakeholders at kung hindi man ganap na alisin ay mabawasan ng malaki ang pag-angkat ng bansa ng imported na asin.


sa panukala ni Lee ay magiging tungkulin ng Philippine Salt Industry Development Task Force, na makabuo ang gobyerno ng polisiya para sa pagpapabuti, pagpapalawak at pagpapanatili ng local salt production industry.

Sinabi ni Lee na magiging bahagi rin ng 5-year roadmap ang pagpapatupad ng mga programa, proyekto at aktibong pakikibahagi ng lahat ng stakeholders para sa development, management, research, processing, utilization, business development, at commercialization ng Philippine salt.

Mungkahi pa ni Lee, maglaan ng ₱1-billion na pondo para sa research and development ng salt production technology at sa iba pang gastusin sa unang tatlong taon ng pagpapatupad ng Philippine Salt Industry Development Roadmap.

Facebook Comments