50-50 work scheme at suspensyon ng mga aktibidad sa PNP, tuloy hanggang April 11

Mananatili ang 50-50 work scheme sa hanay ng Philippine National Police (PNP) hanggang April 11, 2021.

Ito ay para lamang sa mga lugar na pinalawig ng gobyerno ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Batay ito sa pinirmahang memorandum ni The Deputy Chief of Directorial Staff Police Lieutenant General Joselito Vera Cruz.


Maliban sa 50-50 work scheme, mananatili rin hanggang April 11 ang work-from-home scheme sa mga non-uniform personnel at mga buntis na pulis.

Suspendido pa rin ang pagsasagawa ng command visit o activities katulad ng flag raising, inauguration o anniversaries.

Hindi pa rin pwede gawin sa PNP ang face-to-face classroom instruction para sa lahat ng trainings at schoolings.

Maging ang movement o transfer at leave ng mga PNP personnel ay hindi muna pinapayagan at inihinto pa rin hanggang April 11 ang 10am at 3 pm 3-minute habit.

Bawal pa rin ang face-to-face media interview at maging personal visit sa mga opisina at quartering units sa mga PNP camps at offices.

Facebook Comments