50-60 milyon doses ng bakuna darating sa bansa bago matapos ang 2021 – NTF

Tinatayang nasa 50-60 milyong COVID-19 vaccines ang inaasahang darating sa Pilipinas bago matapos ang taong kasalukuyan.

Ayon kay National Task Force (NTF) Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., nasa 45 -50 milyong bakuna na binili ng pamahalaan mula sa iba’t ibang vaccine manufacturers ang darating sa bansa, mula Nobyembre hanggang Disyembre.

Una nang kinumpirma ng COVAX Facility ang delivery ng karagdagang 10 milyong doses ng Pfiizer sa Disyembre at Enero.


Samantala, dalawang milyong donasyong bakuna ng Estados Unidos sa pamamagitan ng COVAX facility ang darating rin sa bansa.

Habang ang mga donasyong bakuna naman mula sa iba pang mga bansa ay inaasahang darating na sa mga susunod na araw.

Sinabi pa ni Galvez na ngayong 2021 ay nasa 193 million ang kabuuang bilang ng COVID vaccines na na-secure ng bansa.

Facebook Comments