Nasa 50 hanggang 70 milyong mga Pilipino ang target ng pamahalaan na mabakunahan ng COVID-19 vaccines ngayong 2021.
Ayon kay COVID-19 policy chief implementer and vaccine czar Carlito Galvez Jr., ito ay dahil sa inaasahang 148 million doses na bibilhing bakuna ng gobyerno.
Sinabi pa ni Galvez na nasa advanced stages na ang kanilang negotiations sa pagitan ng Novovax, AstraZeneca, Pfizer, Johnson & Johnson, Sinovac at Gamaleya at umaasang maseselyohan na ang deal sa mga nabanggit na vaccine manufacturers ngayong buwan.
Paliwanag nito, maliban sa bilateral negotiations, makakatanggap din ng 20% doses ng kabuuang populasyon ng bansa ng bakuna o katumbas ng 22 milyong mga Pilipino sa pamamagitan ng COVAX Facility.
Tutulong din aniya ang private sector sa pagbabakuna sa kanilang mga kawani habang ang kalahati ay ido-donate nila sa gobyerno.