50 bagong quarantine facilities, target ng Pamahalaan sa susunod na 3 linggo

Target ng Pamahalaan na makapagtayo ng 50 bagong quarantine facilities sa susunod na tatlong linggo sa harap ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar na nagsisilbi ring Chief Isolation Czar, dinadagdagan na ng Pamahalaan ang isolation facilities nito dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga bagong COVID-19 cases.

Sinabi ni Villar na mayroong 11 quarantine facilities ang itinatayo sa Central Visayas, 16 sa Eastern Visayas, 20 sa Northern Mindanao, at 3 sa Soccsksargen.


Sa ngayon, aabot sa 52,223 available beds sa government isolation facilities sa ilalim ng Ligtas COVID Centers.

Ang Ligtas COVID Centers ay Local Isolation and General Treatment Areas, community-managed facilities sa loob ng barangay, munisipalidad, siyudad o lalawigan kung saan pinapanatili ang contact, suspect, probable at confirmed cases ng COVID-19 na may mild symptoms.

Facebook Comments