50 Barangay sa Gattaran, Cagayan, Nagdeklara ng ‘Persona-Non-Grata’ laban sa NPA

*Cauayan City, Isabela*- Idineklarang ‘Persona-non-Grata’ ng 50 barangay sa Bayan ng Gattaran, Cagayan ang makakaliwang grupo.

Ayon kay PMAJ. Edwin Aragon, Hepe ng Gattaran Police Station, ito ay bahagi ng pagkondena ng mga barangay dahil sa ginagawang pangingikil sa mga mamamayan ng mga New People’s Army (NPA).

Aniya, nais lamang ng mga opisyal ng barangay na makamit ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang nasasakupang lugar.


Samantala, patuloy naman ang mahigpit nilang pagtututok upang tuluyang masugpo ang illigal na droga sa nasasakupang lugar dahil hanggang sa ngayon ay madami pang barangay ang apektado nito.

Sinabi pa ni Aragon na pito pa lamang dito ang naideklarang drug cleared at anim naman ang drug free kung saan tinatayang nasa mahigit 400 katao ang unang sumuko sa oplan tokhang ng PNP.

Nagpasalamat naman si Aragon sa mga residente sa kanilang ipinapakitang kooperasyon kontra insurhensiya.

Facebook Comments