Manila, Philippines – Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng mahigit pa sa 50 bilyong piso ang kailanganing pondo ng gobyerno para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Sa briefing ni Lorenzana dito sa Malacañang ay sinabi nito na batay sa kanyang pag-taya base narin sa kaniyang nakitang pinsalang inabot ng Marawi City dahil narin sa pakikipagbakbakan ng Gobyerno sa Maute Terror Group ay kukulangin ang 50 bilyong piso para sa rehabilitation efforts o maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga residente ng lungsod.
Ayon kay Lorenzana, sa ngayon ay marami nang bansa ang nagbigay ng kanilang donasyon para sa rehabilitasyon sa Marwi City partikular ang Estados Unidos ng Amerika, Australia, Japan, Thailand, China at European Union.
Nilinaw din naman ni Lorenzana na ang huling ibinigay ng China na 65 million pesos ay partikular na gagamitin para sa mga sundalong nasugatan sa bakbakan sa lungsod.
Sa ngayon aniya ay inaabangan pa nila ang magiging assessment ng Task force Bangon Marawi kung magkano talaga ang kakailanganin pondo para sa rehabilitasyonng Marawi City.
50 bilyong piso, kulang pa para sa rehabilitasyon ng Marawi City
Facebook Comments