50 Chinese, arestado sa iligal na pagtatrabaho sa bansa

145

Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang 50 Chinese nationals na nagtatrabaho sa Saranggani Province nang walang kaukulang work permit.

Ayon sa BI, ang 50 Chinese ay nagtatrabaho sa isang steel company sa Kamanga, Maasim, Saranggani.


Inaresto ang mga dayuhan sa dalawang work sites ng mga ito sa Kamangga, Maasim.

Nabatid na noong Marso pa nakakuha ng work permits ang mga ito sa Immigration subalit nagkaroon ng “misrepresentation” ang mga ito sa kanilang application para sa permit.

Pansamantalang dinala ang mga dayuhan sa holding facility ng Immigration sa Saranggani at nakatakdang ilipat sa warden facility sa Davao sa sandaling lumabas na ang negatibong resulta ng kanilang RT-PCR testing.

Facebook Comments