50 Chinese nationals at isang Malaysian national na POGO workers, arestado dahil sa pag-operate ng illegal gambling

53

Sinalakay ng mga otoridad ang isang gusali na nakatayo 7299 J Victor St., Brgy. Pio del Pilar, Makati City, matapos gawing ilegal na pasugalan ang 5th floor nito na pinapatakbo ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).


Dahil dito, arestado ang mga empleyado ng Hua Xin POGO Company na kinabibilangan ng limampung Chinese nationals at isang Malaysian national.

Ayon kay Police Colonel Oscar P. Jacildo, Chief of Police ng Makati City Police Station, nakatanggap ng isang tawag ang opisina ng intel section ng Makati Philippine National Police (PNP) kaugnay sa illegal gambling operation.

Matapos aniya makumpirma ang nasabing ulat, agad na ikinasa ang operasyon laban sa POGO Company katuwang ang Makati City Businesses Permits and Licensing Office (BPLO).

Naaktuhan pa ng mga arresting officer ang mga suspek na isinasagawa ang illegal gambling.

Kinumpiska rin ang mga ginamit nila tulad ng laptops, electronic devices/gadgets, multiple cellphones na active sim cards, personal computers, broadbands, Wi-Fi routers at multiple electronic one-time passcode.

Ginawa ang naturang operasyon pasado alas-9:15 kagabi.




Nakakulong na ang mga suspek sa Makati PNP at habang inihahanda ang patong-patong na kaso kasong isasampa sa kanila.

Facebook Comments