Thursday, March 19, 2026

50% discount sa lahat ng pasahero ng MRT-3 at LRT-2, ipatutupad sa March 23

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) ang 50% discount para sa lahat ng pasahero ng MRT-3 at LRT-2 simula sa Lunes, March 23.

Sa harap ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa gitna ng giyera sa Middle East.

Nilinaw naman ng DOTr na epektibo pa rin ang 50% discount para sa white beep cards ng mga senior citizens, persons with disabilities (PWD), at mga estudyante.

Sa mga regular na pasahero naman, magagamit din ang blue beep cards para sa automatic na 50% discount.

Habang sa mga walang beep cards, pwedeng bumili ng single journey tickets na naka-50% discount din.

Kasalukuyan namang nakikipag-usap ang DOTr sa LRT-1 management kaugnay ng pagbibigay ng parehong discounted na pamasahe sa kanilang train line.

Ang LRT-1 ay pinatatakbo ng pribadong kumpanyang Light Rail Manila Corporation.

Facebook Comments