Maaari nang makakuha ng 50 percent discount sa Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test para sa COVID-19 ang mga lokal na turista.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, mula sa orihinal na presyong P1,500 na COVID-19 test sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC), magiging P750 na lang ito.
Aniya, nasa P8.7 milyon mula sa special contingency fund ang gagamitin subsidiya sa 5 percent discount sa RT-PCR testing para tulungan ang domestic tourism industry na hinagupit ng COVID-19 pandemic.
Tatagal ang kasunduan sa naturang diskuwento ay hanggang sa June 2021.
Paliwanag naman ni Tourism Promotions Board (TBP) Chief Operating Officer Maria Anthonette Velasco-Allones, para makakuha ng 50 percent discount sa RT-PCR test, dapat ipakita ng lokal na tursita ang valid ID, proof of accommodation sa DOT-accredited establishment at ang kaniyang booking sa biyahe.
Malalaman naman ang resulta ng COVID-19 test ng turista sa loob lang ng 24 oras.