50 environmental group, nagkilos-protesta sa Mendiola para ipanawagan ang “climate justice”

Nagkilos-protesta ang nasa 50 miyembro ng iba’t ibang environmental group sa bahagi ng Mendiola, Maynila para ipanawagan ang “climate justice” sa pamahalaan.

Ayon sa grupong Kalikasan, magandang pakinggan ang mga pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa naganap na pagpupulong kasama ang ibang mga bansa tungkol sa pangangalaga sa kalikasan.

Pero hindi anila ito nagtutugma dahil nagpapatuloy pa rin sa bansa ang mga proyektong nakakasira dito tulad ng reclamation, pagmimina, at paglalagay ng malalaking dam.


Dagdag pa ng grupo, dapat magbigay ng moratorium ang pamahalaan para sa mga nabanggit na proyekto.

Facebook Comments