50 ESTUDYANTE NG CALASIAO COMPREHENSIVE NAT’L HIGHSCHOOL, BIDA SA ACTING ISCOOL NG IFM DAGUPAN

Umabot sa 50 estudyante mula sa Calasiao Comprehensive National High School ang lumahok sa masayang aktibidad na Acting iScool na inorganisa ng iFM Dagupan at RMN Networks, katuwang ang ACS Manufacturing Corporation, tampok ang Unique Toothpaste.

Sampung grupo, na binubuo ng tig-limang miyembro bawat isa, ang nagpakitang-gilas sa kanilang husay sa voice acting at radio drama.

Layunin ng programa na hubugin ang talento ng mga kabataan sa larangan ng voice acting, drama, at broadcasting, mga kasanayang maaaring maging daan sa kanilang hinaharap na karera sa media at sining.

Walang umuwing luhaan sa mga kalahok, dahil lahat ng estudyante ay tumanggap ng cash prize at ACS products gaya ng Unique Toothpaste at Starwax Floor Wax bilang pagkilala at pasasalamat sa kanilang aktibong partisipasyon.

Ang Acting iScool ay patuloy na iniikot ng iFM Dagupan sa iba’t ibang paaralan, bilang bahagi ng kanilang adbokasiyang isulong ang edukasyon, talento, at kasiyahan sa kabataan habang inilalapit ang mundo ng media sa bagong henerasyon.

Facebook Comments