50 flights at halos 20 biyahe sa PITX, kanselado na ngayong araw dahil sa Bagyong ‘Uwan’

Kanselado na ang ilang flights sa bansa dahil sa banta ng Bagyong Uwan na posibleng lumakas bilang super typhoon ngayong gabi o bukas.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nasa 50 flights ang kinansela, kabilang rito ang 26 na biyahe para bukas, November 9, na biyaheng Manila-Cauayan (vice versa), Manila-Tuguegarao (vice versa), at Manila-Virac (vice versa) — pawang sa Cebu Pacific Air.

Nagkansela rin ang CebGo ng mga biyaheng Cebu-Masbate (vice versa), Manila-Naga (vice versa), Clark-Naga (vice versa), Clark-Masbate (pabalik), at Cebu-Calbayog (pabalik).

Para naman sa Philippine Airlines (PAL), kanselado na rin ang mga biyaheng Clark-Basco (vice versa), Manila-Laoag (vice versa), Manila-Cauayan (vice versa), Manila-Tuguegarao (vice versa), Manila-Catarman, Cebu-Calbayog, at Manila-Tuguegarao.

Samantala, aabot naman sa 17 biyahe sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang kanselado ngayong Sabado, November 8, dahil pa rin sa Bagyong Uwan.

Kabilang dito ang mga biyaheng patungong Masbate sa Bicol Region; Eastern Samar at Laoang sa Visayas at Northern Samar; San Jose, Occidental Mindoro; Davao City; at Tagum sa Mindanao.

Facebook Comments