50 KABABAIHAN MULA TANAP REGION, LUMAHOK SA CERVICAL CANCER SCREENING

CAUAYAN CITY – Inilunsad sa Tanap Region ang Cervical Cancer Screening with Acetic Acid na pinangunahan ng City Health Office III.

Ito ay nilahukan ng LIMAMPUNG kababaihan na nasa edad 30-65 years old mula sa iba’t ibang barangay sa Tanap Region.

Sa kabutihang palad, ayon sa CHO3, wala naman umanong nag-positive sa mga dumalo. Kung sakali man umanong mayroong nagpositibo sa naturang sakit ay i-rerefer nila ito sa specialist upang maagapan ito agad.


Bukod dito, ay nagkaroon din ng prenatal care ang health office kung saan ay nagbigay sila ng libreng laboratory services sa mga buntis.

Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month bilang pagbibigay pugay sa papel ng kababaihan sa lipunan.

Katuwang ng CHO3 ang Local Government Unit Cauayan at ang Gender and Development Focal Point System.

Facebook Comments