CAUAYAN CITY – Nag-organisa ng blood donation activity ang Philippine Coast Guard District North Eastern Luzon (CGDNELZN) sa Tuguegarao City bilang bahagi ng kanilang upcoming District 13th Anniversary.
Mahigit 50 katao ang lumahok sa nasabing aktibidad upang mag-donate ng kanilang dugo.
Layunin ng aktibidad na makakolekta ng dugo para sa mga taong nangangailangan nito, lalo na sa mga taong sumasalang ng operasyon.
Kabalikat ng CGDNELZN ang CG Medical-North Eastern Luzon, CG Nursing Service-North Eastern Luzon, Cagayan valley Medical Center, BJMP, PNP, at BFP.
Facebook Comments