Cauayan City Isabela- Tumanggap ng tulong pangkabuhayan ang nasa 50 indibidwal sa bayan ng San Manuel, Isabela mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2.
Personal na iniabot ni Regional Director Joel M. Gonzales ng DOLE RO2 sa mga benepisyaryo ang 50 na Starter Kits na nagkakahalaga ng Ph30,000.00 para sa kanilang livelihood in food preparation at repair services.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Chester Trinidad, Information Officer ng DOLE Region 2, ang 50 na beneficiaries na mula sa iba’t-ibang barangay ng San Manuel ay kinabibilangan ng mga vendors at nag-aayos ng mga sirang appliances.
Naging matagumpay ang pagsasagawa ng pamamahagi ng livelihood kits sa mga piling benepisyaryo sa tulong ng programa ng DOLE RO2 at ni 5th District Congressman Faustino Michael Carlos Dy.
Bukod kay DOLE RD Gonzales, dumalo rin sa nasabing aktibidad sina Mayor Manuel Faustino “King” U. Dy, DOLE – Isabela Field Office (IFO) Provincial Director Evelyn Yango at Executive Assistant IV Sunshine Mondoñedo.