50 Katutubong Pamilya sa Isabela, Natulungan ng mga Pulis at Sundalo

Cauayan City, Isabela- Tinatayang aabot sa 50 katutubong pamilya ang naabutan ng tulong mula sa mga kapulisan at kasundaluhan sa barangay Aplaya sa bayan ng Maconacon, Isabela.

Nagsanib pwersa ang kapulisan ng PNP Maconacon sa pangunguna ng Hepe na si PMaj Rouel Meña at mga sundalo ng 95th Infantry ‘Salaknib’ Battalion sa pangunguna naman ni 1Lt Joey Bagaforo upang maghatid ng mga relief packs sa coastal town ng probinsya.

Batid ng mga kasundaluhan at kapulisan ang hirap ng buhay sa nasabing lugar simula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic dahil sa pahirapang pagbiyahe ng mga produkto o kanilang mga pangangailangan na kinakailangan pang itawid sa baybaying dagat.


Kabilang sa mga namahagi ng relief packs na naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, noodles at mga de lata ay si PVT Baby Jane Morales na dating rebelde at isa rin katutubong Agta.

Labis naman ang pasasalamat ng mga natulungang pamilya dahil sa tulong na kanilang natanggap lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Facebook Comments