
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa ito para sa gagawing tigil pasada ng grupong Manibela at ilang transport groups sa darating na Huwebes at Biyernes.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf T. Tuaño, mananatili sa 50 libong PNP personnel ang i-de-deploy para sa pagtitiyak ng seguridad ng publiko sa nasabing nationwide strike.
Ayon pa kay Tuaño, layon din ng nasabing deployment na tiyakin ang seguridad dahil may mga pagkakataon na pinagmumulan ng tensyon ang pag-enganyo ng ibang jeepney driver na huwag bumiyahe sa mga jeepney driver na bumabiyahe.
Kaugnay nito , wala namang naitala ang PNP na insidente ng pamimilit mula sa mga driver na kasama sa nationwide transport strike.
Samantala, naglaan rin ang PNP ng nasa halos 1,300 na libreng sakay para sa mga pasaherong maaapektuhan ng nasabing tigil pasada.










