50 Light Rail Vehicles ng MRT-3, hindi pa magagamit sa susunod na tatlong taon

Manila, Philippines – Hindi pa rin magagamit sa susunod na tatlong taon ang nasa halos limampung (50) Light Rail Vehicles (LRVs) para sa MRT-3.

Ayon kay Transportation Usec. Cesar Chavez – wala pa kasing signaling system ang mga nasabing dalian train.

Aniya, nasa tanggapan pa niya ang billing para sa mga nasabing LRVs at hindi pa ito binabayaran.


Pero kahit pa maayos ang signaling system, sinabi ni Chavez na hindi pa rin ito pwedeng gamitin kung walang international independent party certificate, base na rin sa utos ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

Bukod pa rito ang kontrata noong nakalipas na administrasyon na nagsasabing animnapung (60) lumang tren ang dapat gumana sa peak hours.

Ang mga LRVs ay binili sa Dalian Locomotive and Rolling Stock Company ng China sa halagang 3.8 billion pesos.
DZXL558

Facebook Comments