Aabot sa 50 Locally Stranded Individuals (LSIs) ang nakauwi na sa Basilan province.
Sa statement, sinabi ng Bangsamoro Government na nagnegatibo sa COVID-19 swab test ang mga nasabing LSIs.
Nakumpleto rin ng mga ito ang kanilang 14-day quarantine sa Sultan Kudarat.
Ang mga LSI ay nakauwi sa tulong ng Philippine Navy at bahagi ang mga ito ng unang batch ng 405 LSIs na papauwiin sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Ang natitirang LSI na nakakumpleto ng kanilang quarantine period ay papauwiin sa lalong madaling panahon.
Ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ay nagbibigay sa mga LSIs ng pagkain at inuming tubig.
Binibigyan din ang mga LSI ng psychosocial support at modified camp management sa isolation facilities sa Maguindanao.
Pagtitiyak ni Interior Minister Naguib Sinarimbo na patuloy na tutulungan ng Bangsamoro Government ang mga LSI.