50 lungsod sa bansa, kasama sa pagbubuhusan ng mga bakuna kontra COVID-19

Tinukoy na ng pamahalaan ang 50 lungsod sa bansa na prayoridad na pagbuhusan ng mga bakuna kontra COVID-19 mula sa gobyerno.

Pero paliwanag ni COVID-19 testing czar Secretary Vince Dizon, hindi pa ilalabas sa publiko kung ano ang mga lungsod na kasama sa listahan.

Nabatid na makakatanggap ang mga nasabing lungsod ng target na hindi bababa sa 500,000 doses ng kada araw ngayong oktubre.


Itataas pa ito sa 800,000 doses kada araw sa Nobyembre.

Sa ngayon, paglilinaw ni Dizon ay hindi nangangahulugan ang pagtukoy na hindi na maglalaan ng suplay ng bakuna sa iba pang lugar sa bansa.

Facebook Comments