50 MAG-ASAWANG NOVO VIZCAYANO, TUMANGGAP NG P50,000 MULA SA PROVINCIAL LOCAL GOVERNEMNT UNIT

Cauayan City – Tumanggap ang 50 mag-asawang Novo Vizcayano ng cash incentive na P50,000 mula kay Governor Jose Gambito at mga lokal na mambabatas.

Ang seremonya ng pagbibigay ng gantimpala ay bahagi ng Nueva Vizcaya Enduring Devotion Ordinance na inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya (PLGU) upang kilalanin at pahalagahan ang mga mag-asawang nagtagumpay sa pagsasama ng higit sa limampung taon.

Bilang karagdagang benepisyo, binigyan din ang mga benepisyaryo ng certificate of recognition at libreng medical check-up sa mga ospital na pinamamahalaan ng PLGU, na patunay ng patuloy na suporta ng pamahalaan sa kanilang kalusugan.


Ang mga mag-asawang nabigyan ng gantimpala ay pinili batay sa ilang mahahalagang criteria, kabilang na ang pagiging malinis ang rekord hinggil sa anumang uri ng domestic violence.

Ayon sa mga mambabatas, ang pagsunod sa mga kondisyon ng Republic Act 9262, o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act (VAWC Law), ay isang pangunahing salik sa pagpili ng mga benepisyaryo.

Ang Nueva Vizcaya Enduring Devotion Ordinance ay isang hakbang ng PLGU upang hikayatin ang mga mag-asawa na magpatuloy sa pag-aalaga at pagpapahalaga sa kanilang relasyon.

Facebook Comments