50% mandatory vaccine donation ng pribadong sektor sa pamahalaan, ideya ng AstraZeneca – Galvez

Nilinaw ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na mismong sa AstraZeneca nanggaling ang ideyang atasan ang mga pribadong kumpanya na i-donate ang kalahating nabili nitong bakuna sa gobyerno.

Paliwanag ni Galvez, bahagi ito ng “corporate principle” ng  AstraZeneca kung saan mayroon dapat equitable at non-privilege access sa bakuna para sa lahat.

Layunin din aniya ito na maipaabot ang mga bakuna sa marginalized population.


Ang ibang vaccine manufacturers ay walang ganitong kaparehas na arrangement na katulad sa AstraZeneca.

Samantala, pinuri ni Galvez ang pribadong sektor sa kontribusyon nito para mapabilis ang vaccination program sa pamamagitan ng pagbili ng sariling supply ng COVID-19 vaccines.

Facebook Comments