50 mga pulis mula Marikina Police Station at EPD, isasalang sa Mass Testing ng Marikina City Government

Naniniwala si Marikina City Mayor Marcy Teodoro na napapanahon na ngayon para pangalagaan ang mga  frontliners gaya ng mga pulis, hindi lang mga Medical workers , kundi pati mga Non-Medical Personnels gaya ng PNP dahil umano sa mahabang panahon ng kanilang exposure.

Ayon kay Mayor Teodoro 50 mga pulis na galing sa Marikina Police Station at EPD ang isasalang sa SWAB Test para malaman kung nahahawaan ba sila ng COVID-19 dahil gusto ng LGU na magkaroon sila ng Supportive Medical treatment.

Paliwanag ng Alkalde na ang isa pang dahilan kung bakit tini-test ang mga Frontliners , maaring asymptomatic sila o walang sintomas, walang nararamdaman, pero kung nahawa  sila ng nakamamatay na virus ay maaaring  maging carrier umano sila at yon umano ang  iniiwasan nila dahil sa dami rin ng taong nakakasalamuha ng mga pulis.


Dagdag pa ni Mayor Teodoro dahil sa mabilis ang paglabas ng resulta ng Test hindi na kailangan pang mahiwalay sa kani kanilang pamilya ang mga pulis ng mahabang panahon dahil sa 14-day Quarantine Protocol.

Giit ng Alkalde paglabas ng resulta ng SWAB Test kapag positive sila,ay  idiretso agad  sila sa hospital ng Marikina  para makatanggap agad  ng medical supportive treatment. Kung negative naman sila, makakauwi ang mga pulis at hindi na kailangan pa nilang magsakripisyo, makakauwi na sila sa kanilang mga pamilya.

Facebook Comments