Monday, January 19, 2026

50 million intel fund, idinepensa ng Department of Agriculture sa budget hearing ng Kamara

Sa budget hearing na pinangunahan ng House Committee on Appropriations ay idinepensa ng Department of Agriculture o DA ang P50 million na confidential funds nito sa ilalim ng panukalang pambansang pondo sa susunod na taon.

Ayon kay DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban ito ay para sa “anti-smuggling purposes.”

Paliwanag naman ni DA Asec. James Layug, suporta ito sa anti-agricultural smuggling efforts at sa target na seguridad sa pagkain ng kanilang Kagawaran, kasama ang iba pang ahensya.

Hindi naman kinagat ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang rason ng DA sabay kwestyon kung nasa mandato na ba ng ahensya ang national security, pagtugis sa smugglers, illegal importers at iba pa.

Facebook Comments