50 million na target na National ID, positibong makakamit ng PSA bago matapos ang 2022!

Tiwala ang Philippine Statistics Authority (PSA) na makakamit nila ang target na 50 milyong na National ID bago matapos ang 2022.

Ayon sa PSA, marami na ang ipinapadala ng Philippine Identification Cards sa Post Office para sa delivery nitong third quarter.

Umaabot na sa 2.53 million ang idini-dispatch na National ID ng PSA at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong Setyembre, kumpara sa 1.86 million noong Hulyo at 2.24 million noong Agosto.


Sa 50 million target ngayong taon, 30 million sa mga ito ay physical ID cards, habang 20 million naman ay digital versions ng Phil ID.

Facebook Comments