50 milyong fully vaccinated individuals, posibleng makamit sa pagtatapos ng taon

Posibleng maabot ng gobyerno na makapagtala ng 50 milyong indibidwal na fully vaccinated na kontra COVID-19.

Tiwala si National Task Force COVID-19 special adviser Dr. Ted Herbosa matapos umabot sa halos isang milyong doses ang naituturok sa bansa kada araw.

Matatandaang pinangako ng gobyerno na makamit ang 1.5 milyong doses ang maituturok kada araw kapag nagkaroon na ng steady na suplay ng bakuna.


Sa huling datos, mayroong 27.1 milyong Pilipino ang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Facebook Comments