50 milyong katao, target na maturukan ng COVID-19 vaccine sa China

Target ngayon ng China na maturukan ng COVID-19 vaccine ang aabot sa 50 milyong katao bago ang pagsisimula ng Lunar New Year sa susunod na taon.

Hahatiin sa dalawang batch ang nasabing aktibidad kung saan magsisimula ang unang batch sa January 15 habang ang pangalawa naman ay sa February 5.

Nabatid na nakatakdang ipamahagi ng China ang 100 million doses ng two-dose inactivated vaccine na ginawa mula sa kumpaniyang Sipharm at Sinovac.


Facebook Comments