Nakitaan ngayon ng Department of Health – Center for Health Development Region 1 ng pagtaas ng kaso ng Leptospirosis sa Rehiyon Uno.
Base sa pinakahuling monitoring ng DOH-CHD1, as of July 22, 2023 umabot na sa apatnapu’t limang (45) kaso ng Leptospirosis ang naitala mula sa apat na probinsya nito kung saan base sa ibinigay ng ahensiya sa IFM Dagupan, pinakamaraming naitala sa lalawigan ng Pangasinan na may labing anim (16) na kaso, sinundan ito ng Ilocos Norte na may labing-apat (14), labing-tatlo (13) naman sa lalawigan ng La Union, Dagupan City ay mayroon ng dalawa (2) at wala namang naitala ang Ilocos Sur.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, tagapag-salita ng DOH-CHD1, mas mataas ang bilang ngayong taon kumpara sa bilang noong nakaraang taon na mayroon lamang 28 kaso nito.
Samantala, dahil sa nakakaalarmang kaso nito, mahigpit na nagpaalala ang ahensya sa publiko sa pangunguna ni Regional Director Paula Paz M. Sydiongco na mag-iingat laban sa W.I.L.D. o ang mga sakit na Water-borne disease, Influenza, Leptospirosis, at Dengue na dulot ng iba’t ibang bacterial, viral, at parasitic na organismo na maaaring makuha sa tubig-baha dulot ng malakas na pag-ulan na dulot ng masamang panahon.
Ayon pa sa kanya, hindi lang nakukuha ang mga sakit na ito sa daga kundi maging sa ihi ng mga infected na hayop gaya ng baka, baboy at aso na nababad sa tubig-baha.
Mas maigi aniya na mag-ingat, umiwas na maglakad at maglaro sa mga kalsadang lubog sa tubig.
Sakaling nakakaramdam ng hindi maganda sa katawan ay agad ng magpakonsulta upang agad din masolusyunan. Sakali namang lalabas, magsuot na lamang ng iba’t ibang panangga sa baha, ulat at marami pang iba. |ifmnews
Facebook Comments