Nadagdagan pa ng 50 ang mga bagong kaso ng Omicron subvariant ng COVID-19 na BA.5 sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 63 ang kabuuang kaso ng naturang subvariant.
Ayon kay Department of Health (DOH) Spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 38 dito ay mula sa Region 6; 5 ay mula sa NCR; habang 7 naman ang returning overseas Filipinos.
Hindi pa tukoy ang exposure ng mga naturang indibidwal at patuloy pang biniberipika ang travel history.
Sa 50 na bagong kaso, 41 dito ay gumaling na; 4 ang naka-isolate pa rin; habang hindi naman batid ang status ng 5 iba pa.
Samantala, nadagdagan din ng 11 ang bagong kaso ng BA.2.12.1 kung saan 7 ang galing din sa Region 6 at apat ang returning overseas Filipinos.
Sa 11 na kaso, 10 ang gumaling na sa sakit habang ang isa naman ay sumasailalim pa sa isolation.
Nakapagtala rin ang DOH ng dalawang bagong kaso ng BA.4 Omicron subvariant ng COVID-19 sa bansa kung saan 1 ay mula pa rin sa Region 6 at 1 isa ang returning overseas Filipinos na kapwa gumaling na sa sakit.