50% ng mga pampublikong paaralan, na-convert na bilang mga quarantine facilities ayon sa Palasyo

Kinumpirma ng Palasyo na 50% ng mga pampublikong paaralan sa Metro Manila ang na-convert na bilang temporary quarantine facilities.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, may basbas naman ito mula sa Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH).

Kasunod nito, sinabi ng kalihim na tuloy pa rin ang pagbubukas ng klase sa darating na August 24 sa pamamagitan ng blended learning.


Habang ang pag-uumpisa ng face-to-face classes ay sa darating na January 2021 o kapag mayroon nang bakuna laban sa COVID-19.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw niyang ipagsapalaran ang kaligtasan at kalusugan ng mga estudyante kung kaya hangga’t wala pang bakuna sa virus ay wala munang face-to-face classes.

Facebook Comments