50% NG PEDIATRIC POPULATION EDAD 12-17 SA PANGASINAN, NABIGYAN NG COVID-19 VACCINE

Umaabot na sa limampung porsyento (50%) porsyento sa kabuuang bilang ng Pediatric Population sa lalawigan ng Pangasinan ang nabakunahan na laban sa COVID-19, ito ay kinumpirma ni Provincial Health Office Chief Dr. Anna Ma. Teresa De Guzman.

Ayon kay Dra. De Guzman, base sa datos mula sa Department of Health, nasa tatlo hanggang apat na raang libong kabataan sa probinsya na edad labing- dalawa (12) hanggang labing-pitong (17) taong gulang ang kailangang mabakunahan kontra COVID-19.

Kabilang ang pediatric population sa 77.75% o tinatayang 1.9 million mula 12 years old pataas na 1st dose ng COVID-19 vaccines, at 66.82% o 1.6 million ang fully vaccinated dito sa Pangasinan.

Ang pagbabakuna sa pediatric population ay dahil sa napipinto namang pagbubukas ng face-to-face classes.

Sa ngayon ani De Guzman ay nagpapatuloy parin ang pagbabakuna sa nasabing age group kasama ang iba pang Eligible Population.

Inaasahan naman sa pagsapit ng buwan ng Pebrero ngayong taon ay masimulan na ang pagbabakuna sa mga batang edad lima (5) hanggang labing-isang (11) taon.

Hinihintay pa umano ang guidelines ukol dito mula sa DOH gayundin ang Emergency Used Authorization o EUA mula naman sa Food and Drug Administration (FDA) dahil maaaring magpatupad ng pagbabago sa dosage at uri ng bakunang gagamitin para sa nasabing edad ng babakunahan. | ifmnews

Facebook Comments