Nakamit na ng Metro Manila ang population protection matapos mabakunahan ang 50 porsyento ng mga residente nito laban sa COVID-19.
Ayon kay Metro Manila Council (MMC) at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, 70 percent ng tinatayang 10 million adult population sa National Capital Region (NCR) ang naturukan ng first dose.
Tuloy-tuloy pa rin aniya ang kanilang pagbabakuna gamit ang 4 million COVID-19 vaccine doses na ibinigay ng national government.
Una nang sinabi ng Malakanyang na ikokonsidera ang mga paghihigpit sa mga hindi bakunado sa sandaling fully vaccinated na ang 50 porsyento ng populasyon ng rehiyon.
Facebook Comments