Mayroong kabuuang 50 paaralan sa Ilocos Region ang makakasama sa dry run ng face-to-face to classes ng Department of Education.
28 dito ang mula sa Ilocos Norte, 19 sa Ilocos Sur at tatlo dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Joey Pimentel ang DepEd Region 1, Statistician ang mga paaralan na ito ay nauna ng nagsumite ng kanilang requirements sa DepEd Central Office.
Sinabi naman ni Dr. Johnson Sunga ang Education Program Supervisor ng Policy Planning and Research ng DepEd, kabilang ang mga paaralan na ito sa level 1 risk o kaya naman ay kakaunti ang bilang ng naitatalang kaso ng COVID-19.
Bago simulan aniya ang face-to-face sa mga nasabing lugar kailangan magkaroon muna ng consent mula sa magulang.
Sinisigurado naman ng Kagawaran na maipapatupad ang minimum public health standard sa pilot ng face-to-face classes sa tulong ng Lokal na pamahalaan at ng DOH.