50 pamilya, apektado sa sunog na sumiklab sa Pasay

194

Manila, Philippines – Nasa limampung pamilya ang nawalan ng bahay nang masunog ang sampung bahay sa Barangay Uno Pasay City.

Ayon kay Fire Officer 1 Saturinino Ariston, 8:14 nang magsimula ang sunog sa bahay ni kagawad April Abinar sa may kuyegkeng st, brgy 1 district 1 zone 1 Pasay City.

Binobomba ni Christine cimafranca ang kusinilyang pangluto nang bigla itong sumabog dahilan para magkasunog sa lugar.


Gawa sa light material ang bahay kaya mabilis na kumalat sa katabing mga bahay.

Di naman nadamay ang isang katabing bahay dahil sa may firewall.

Sa ngayon ay humupa na ang naglalagablab na apoy. Wala na rin ang maitim na usok .



Isang Helen Kahapay ang nagtamo ng minor injury.

Facebook Comments